If you didn't understand the title, don't bother reading the rest of this entry. As my "tribute" for the 110th anniversary of Philippine independence, all of the entries dated June 12th will be in the Filipino language.
Alam kong matagal mo nang alam ito. Laging panalo ang koponan na galing sa mas malaking lungsod pwera sa San Antonio, may bawi na tawag, laging talo ang Dallas, laging talo ang Portland, laging talo ang Sacramento, laging panalo ang Lakers. Kahit nga ang ESPN todong ibinenta ang huling serye noong 2005 dahil hindi umubra ang pangluluto ni David Joel Stern dahil may iniinda si Dwayne Wade.
Sa pagkakaaresto kay Tim Donaghy, isang opisyal sa NBA, at ang paglantad niya sa mga kababalaghan sa liga, maraming nagtatanong: ang NBA ay para bang PBB, PDA at American Idol (si David Cook ang nanalo. Pangalan pa lang luto na) na alam na ang panalo kahit hindi pa naguumpisa ang laban?
Mayroon siyang tinurong pangyayari: ang panghuling serye ng Kanlurang Konperensiya noong 2002 kung saan nanalo ang Lakers sa ikapitong laban -- kung saan dalawang mananalaro ng Kings ang nadiskwapilika dahil sumobra ang kanilang nakatakdang bilang ng mga foul. Kung saan ang Lakers ay tumira ng 27 libreng tira sa panghuling apatin. Kung saan ang Lakers ang may mga magagandang datos sa telebisyon.
Ngunit mapapatanong ka: gaano ba katiwa-tiwala sa Donaghy? Eh paano naman si Stern? Maniniwala ka ba doon? Kanino ka maniniwala? Sa gumawa ng pandaraya o sa nagutos umano ngunit tahasan niyang tinatanggi? Kung totoo ang mga pinagsasabi ni Donaghy, ibig sabihin ba ang mga teoryang sabwatan ay totoo? Ang mga teoryang kumakalat simula noong nanungkulan si Stern (basahin ang mga pangyayari kay Patrick Ewing noong 1985)? At bakit ngayon lang niya ito sinabi? Malamang malulungkot siya sa selda niya kaya kailangan niya ng kasama? At gusto niyang kasama si David Joel Stern? Ano kayang gagawin nila doon sa selda. Habang nag-iisa. Hahahah
Ibig sabihin ba ay marami pang ibang pangluluto ang ginawa ng liga? Gaya noong panghuling serye noong 2006 kung saan mahawakan lang si Dwayne Wade ay foul na? Paano na ang mga mangagamot na aayusin ang iniinda niya, may mga opisyal din ba ng NBA sa silid pang-operahan kung saan bawal hawakan si Wade? At paano na ang Portland na biglang naka-habol na lang ang Lakers noong 2000 sa loob ng anim na minuto?
Paano naman tayo? Papayag ba tayo na magpaluto? Ano ang dapat nating gawin? Kung ang paborito mong koponan ay laging niluluto, lumipat ka na lang ng ibang koponan na siyang nakakatanggap ng "magandang" tawag. Gayahin nyo ako, dating Mavs pero Lakers na. Hindi na ako uuwing luhaan. Garantisadong aabot ang koponan ko sa panguling serye, hindi gaya sa Mavs na garantisadong talunan kahit hindi pa man naguumpisa ang laban. Ganoon na lang din ang gawin natin, para mataas ang datos sa telebisyon at lalong lumaki ang kaban ni David Joel Stern. Lahat tayo ay panalo! Para saan pa ang moralidad kung lulutuin lang din naman. Mag-sorry na lang siya; kung umepekto kay Gloria yun malamang gagana din iyon sa kanya. Hahahahah.
NBA, kung saan ang pangluluto ay nangyayari.
No comments:
Post a Comment
Comments are absolutely not moderated. Comments are displayed immediately once posted. Comments can be only be removed by the author (if signed in to a Goggle or OpenID account) or if requested by someone else with good reason.